WATCH: Lea Salonga kinanta ang SEA Games theme song

Screengrab of Speaker Alan Peter Cayetano video

Inilunsad na ang opisyal na theme song ng 2019 Southeast Asia (SEA) Games at kinanta ito ng award-winning performer na si Lea Salonga.

Sa video na ibinahagi ni House Speaker at Philippines Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOV) chairman Alan Peter Cayetano ay mapapanood ang pagkanta ni Lea ng SEA Games song na may titulong “We Win as One.”

Opisyal nang inilunsad ang kanta kasama ang composer nitong si Ryan Cayabyab.

Para kay Cayetano, ang SEA Games ay pagkakataon para maipalamalas ang “best” ng Pilipinas.

Ito anya ay sa pamamagitan ng magagaling na atleta at mang-aawit ng bansa.

Read more...