Ang payo ni Pacquiao kay Panelo ay sa gitna ng kontrobersya ukol sa batas sa good conduct na ginamit sanang basehan sa maagang paglaya ng dating alkalde ng Calauan, Laguna.
Ayon sa senador, kung magli-leave si Faeldon ay hindi na mapapahiya ang pangulo at ang administrasyon nito.
Dahil ang pangulo anya ang nagtalaga kay Faeldon ay nadadamay ito sa gulo kaya kung iginagalang umano ng BuCor chief ang presidente ay mabuting magpahinga muna ito.
Naniniwala naman si Pacquiao na maling palayain si Sanchez at ibang convicts ng karumal-dumal na krimen.
Dahil sa kaguluhan sa good conduct time allowance (GCTA) law ay ito anya ang mabuting panahon para ibalik ang parusang kamatayan sa bansa.