Dating Wescom chief itinalagang OTS administrator

Wescom FB photo

Pirmado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang appointment paper ni retired Air Force Lt. Gen. Raul del Rosario bilang bagong administrator ng Office of Transport Security (OTS).

Si Del Rosario ay nagsilbing commander ng Western and Central Commands ng Armed Forces of the Philippines bago itinalaga sa OTS.

Ang pagtalaga ng pangulo kay Del Rosario ay inanunsyo ng Department of Transportation (DOTr).

Si Del Rosario ay nagsilbi rin bilang vice president for airport operations ng Clark International Airport Corporation.

Samantala, kumpyansa si Transportation Sec. Arthur Tugade na itataas ni Del Rosario ang antas ng seguridad sa transportasyon alinsunod sa “international standards.”

Naniniwala si Tugade na si Del Rosario ang tamang tao para sa naturang trabaho.

 

Read more...