Higit 71 pulis sinibak ng PNP-IAS

Sinibak sa pwesto ang higit pitumpu’t isang pulis dahil sa kasong administratibo.

Ayon sa Philippine National Police-Internal Affairs Service (PNP-IAS), nakatalaga ang mga pulis sa PNP headquarters sa Camp Crame sa Quezon City.

Samantala, nasa limang pulis naman ang na-demote habang labing-tatlo ang sinuspinde mula February 3, 2017 hanggang August 31, 2019.

Tiniyak naman ni PNP chief General Oscar Albaylde na paiigtingin pa ang kanilang counter-intelligence effort laban sa mga pasaway na pulis.

 

Read more...