2 Chinese arestado sa umanoy paggahasa sa kasambahay sa Parañaque

Inireklamo ng isang kasambahay ang dalawang Chinese nationals dahil sa paggahasa umano sa kanya habang siya ay natutulog sa bahay sa Barangay Baclaran, Parañaque.

Arestado sina Yonghseng Zhao, 20 anyos at Zhangqiu Cheng, 36, nagtatrabaho sa bansa bilang mga call center agents.

Nabatid na lasing ang dalawang dayuhan nang abusuhin umano ang stay-in maid.

Ayon sa Parañaque City Police Station, natutulog ang 27 anyos na kasambahay sa bahay nang gahasain umano siya ng dalawang dayuhan alas 3:00 Lunes ng madaling araw.

Naaresto ang mga suspek matapos magpatulong ang biktima sa mga gwardya na nagreport ng insidente sa pulisya.

 

Read more...