2 eroplano muling magagamit ng Phil. Air Force

Phil. Air Force photo

Muling magagamit ng Philippine Air Force ang dalawang bagong ayos na eroplano.

Ayon sa Air Force, muling lilipad ang inayos na Bell UH-1H Heuy combat utility helicopter na may tail number 806 at ang Cessna T41-B basic training aircraft na may tail number 048.

Nagsagawa ang Air Force ng blessing at turn-over ceremony para sa mga bagong ayos na eroplano sa Clark Air Base sa Pampanga.

Sinaksihan ni Air Force chief Lt. Gen. Rozzano Briguez ang naturang event.

Samantala, nagkaroon din ng turnover ng mga bagong sasakyan sa Air Force.

 

Read more...