‘Hello, Love, Goodbye’ record-breaking ang kita

Lalo pang nadagdagan ang kita ng pelikulang “Hello Love Goodbye.”

Sa Facebook, inanunsiyo ng Star Cinema management na umabot na sa P800,603,490 ang kita ng pelikula hanggang 6:15, Martes ng gabi (September 3).

Dahil dito, ito ang highest grossing movie of all time sa Pilipinas.

Ang nasabing pelikula ay pinagbidahan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.

Nagdaos naman ang Star Cinema management ng thanksgiving party para sa tagumpay ng pelikula, Martes ng gabi.

 

Read more...