Grupo ng mga guro nag kilos protesta sa harap ng House of representative kaugnay sa DepEd budget

Sinabayan ng kilos protesta ng grupo ng mga guro ang ginawang budget hearing para sa Department of Education (DepEd) sa kongreso.

Nagtipun-tipon ang mga guro sa harap ng House of Representative bandang alas 3:30 ngayong hapon para sa panawagan na taasan ang kanilang sweldo.

Hinihingi nila ang 16,000.00 na salary grade 1, 30,000.00 para sa teacher 1 at 31,000.00 para Instructor 1.

Iginigiit ng Alliance of Concerned Teachers o ACT, na huwag ng bawasan ang budget para sa DepEd, at isama ang salary increase para sa mga guro.

Umaasa ang ACT na mapagbibigyan sila ng kanilang kahilingan, hindi lang sa mga guro, kundi kasama na ang iba pang nagtatrabaho kaugnay sa edukasyon.

May mga pulis din sa paligid nito para masiguro na maging mapayapa ang ginagawang kilos protesta.

Dumalo rin sa nasabing kilos protesta si Congressman Caloy Zarate ng Bayan Muna partylist.

Hindi naman nakaapekto sa daloy ng trapiko sa kahabaan ng Batasan road ang nasabing rally.

Gayuman, nasa P673 billion pesos ang proposed budget ng Malakanyang para 2020 budget ng DepEd.

Read more...