Pres’l Spokesman Panelo dapat ding ipatawag sa pagdinig ng Kongreso dahil sa muntik nang pagpapalaya kay dating Mayor Sanchez

Nais ni Bayan Muna Rep. Ferdinand Gaite na ipatawag sa mga pagdinig ng Kongreso si Presidential Spokesperson at Chief Legal Counsel Salvador Panelo sa isyu ng muntik na paglaya ni dating Calauan Mayor Antonio Sanchez.

Sinabi Gaite, dapat ipatawag si Panelo sa imbestigasyon para malinawan ang kanyang naging papel sa muntik nang pagpapalaya kay Sanchez.

Ito’y matapos mabulgar sa pagdinig ng Senado na inindorso ni Panelo sa Bureau of Pardons and Parole ang liham ng pamilya ni Sanchez tungkol sa application nito para sa executive clemency.

Read more...