Pangulong Duterte hindi inabisuhan ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na humihirit ng executive clemency si convicted rapist at murderer Antonio Sanchez

Inamin ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na hindi niya ipinaalam kay Pangulong Rodrigo Duterte na nag a-apply ang kanyang dating kliyente na si convicted rapist at murderer Antonio Sanchez ng executive clemency.

Ayon kay Panelo, ang tanging ipinaalam lamang niya sa pangulo ay ang pakikipagpulong niya sa pamilya Sanchez sa malakanyang noong buwan ng Pebrero.

Nakinig lamang aniya ang pangulo sa kanyang kwento na lumapit sa kanya ang pamilya Sanchez.

Paliwanag ni Panelo, wala siyang nakikitang pangangailangan para ipaalam sa pangulo na humihirit ng clemency ang pamilya Sanchez dahil nang mabasa niya ang liham ay agad niya na itong inirefer sa Bureau of Pardons and Parole.

Nanindigan pa si Panelo na wala siyang ginagawang mali dahil ini-refer lamang niya sa BPP ang hirit ng pamilya Sanchez.

Wala aniya itong conflict of interest kahit pa dati na niyang kliyente si Sanchez.

Read more...