Megastar Sharon Cuneta kinokonsidera na ang semi-retirement sa showbiz

Kinokonsidera na daw ni Megastar Sharon Cuneta na pansamantalang magpahinga sa kanyang career at bumalik sa pribadong buhay.

Ang nasabing plano ay inihayag ni Sharon sa kanyang Instagram account kasama ang larawan nila ng anak na si Frankie.

Makikita sa larawan na magkayap ang mag-ina at kalakip nito ang isang mahabang caption mula sa singer-actress.

Ayon kay Sharon, 41 years na siyang nagtatrabaho at aminadong napapagod na rin. “I am so very tired. It has been 41 years of work, work, work for me, and at some point, kailangan na rin sabihin sa sarili na “tama na.” When will it ever be enough? Sometimes you just have to put your foot down and say it’s okay, and it’ll all be okay. Maybe I’ll do a concert here and there every once in a while, or a movie that I feel will really be worth the few months it’ll take me away from my home and family. “ saad sa kanyang IG post.


May pakiusap din siya sa kanyang mga fans na sana ay maintindihan ang kanyang sitwasyon. “Sinasabi ko na sa inyo ito, mga mahal kong Sharonians. Mahal na mahal ko kayo…pero pagod na rin si Mama…Di naman siguro ako biglang forever na mawawala…pero konting-konti na lang siguro ang kakayanin kong ibigay until magpahinga na ako at i-enjoy naman ang tinatawag na private life na alam ng karamihan pero tungkol saan kokonti lang ang alam ko…I know you will all understand. I love you all and this has nothing to do with Kakie leaving. “

Kamakailan ay inihatid ni Sharon sa New York ang anak niyang si Frankie kung saan nakatakda itong mag-aral.

Sinamantala din nila ang pagkakataon para makapag-bonding kasama ang mister na si Senator Kiko Pangilinan at ang iba pa niyang anak.

Read more...