Ang hinihinalang tulak na police ay si Patrolman Leo Valdez, na nasabat sa buy-bust operation sa PNR site, Marquez Compound, Brgy. Putatan, Muntinlupa City kung saan nakuhanan siya ng isang pakete ng hinihinalang shabu.
Sinabi ni Police Col. Romeo Caramat, hepe ng PNP-IMEG, matagal na nilang sinusubaybayan ang aktibidad na kinasasangkutan ng aktibong pulis.
Si Valdez ay naging pulis noong 2007 pero nag-AWOL noong 2014 at nakabalik sa serbisyo noong 2017 at kasalukuyang nakatalaga sa National Operations Center sa Camp Crame.
Nahaharap sa patong na patong na kaso ang naarestong pulis.
MOST READ
LATEST STORIES