Ito ang sinabi ni Mayor Robes sa isang pulong balitaan kasunod ng nakatakdang assessment ng DILG sa lahat ng local government units (LGUs) para alamin kung may progreso sa isinasagawang mga clearing operations.
Sinabi ng alkalde na kumpara sa ibang mga LGUs hindi na nahirapan pa ang lungsod ng San Jose del Monte para dito dahil 2016 pa lamang ay naumpisahan na ang malawakang road-widening program para sa papalaking bilang ng residente ng tinaguriang ‘the rising city’.
Ang mga looban na lamang aniya sa ngayon ang konsentrasyon ng nagpapatuloy na clearing operations.
Sinabi pa ni Mayor Robes malaking bagay ang pakikipagtulungan ng lahat ng mga barangays sa lungsod matapos ang serye ng koordinasyon na kanyang ipinatawag.
Sa panig naman ng district level, ipinaliwanag ni Congresswoman Rida Robes na malaki ang impact sa isang LGU na mismong si Pangulong Duterte na ang naglabas ng direktiba na linisin sa lahat ng obstruction ang kalsada sa buong bansa.