Security guard arestado sa buy-bust operation sa Quezon City

Naaresto ang isang hinihinalang tulak sa bahagi ng Kaingin 1, Barangay Pansol, Quezon City sa isinagawang buy-bust operation ng QCPD Project 4 o Police Station 8, ala-1:40 madaling araw ng Martes (September 3).

Naaresto ang suspek na kilalang si Angelo Granil alyas Angie, 42 taong gulang, isang security guard at residente ng Kaingin 1, Barangay Pansol, Quezon City.

Nakuha sa suspek ang tatlong piraso ng plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P6,800 at P200 na buy-bust money.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...