Water level sa Angat dam nadagdagan pa, nasa 183.16 meters na

Nadagdagan pa ang water level ng Angat dam sa nakalipas na 24 na oras.

Sa datos ng PAGASA Hydrology Division, alas 6:00 ng umaga ng Martes, Sept. 3 ay nasa 183.16 meters na ang antas ng tubig sa Angat.

Nadagdagan ito kumpara sa 183.03 meters kahapon ng umaga.

Samantala, nadagdagan din ang water level ng Ipo dam at ngayon ay nasa 100.97 meters na maging ang La Mesa dam na nasa 77.44 meters.

Nadagdagan din ang water level ng Binga, San Roque, Pantabangan, at Magat dam.

Habang nabawasan naman ang Ambuklao at Caliraya.

Read more...