Mga gumagawa ng ilang produktong de-lata humirit ng dagdag presyo

Hiniling sa Department of Trade and Industry (DTI) ng mga gumagawa ng ilang de-lata na magdagdag sila ng presyo.

Ang hakbang ng manufacturers ng ilang canned goods ay kasabay ng pagpasok ng “ber” months.

Ayon sa DTI, maglalabas sila ng desisyon sa hirit na taas-presyo bago matapos ang buwan ng Sityembre.

Sinabi naman ng ahensya na sa ngayon ay walang hiling ang mga gumagawa ng ilang Noche Buena items na magtaas ng presyo.

Maglalabas ang DTI ng suggested retail price (SRP) ng mga produktong ginagamit sa Kapaskuhan sa Oktubre.

 

Read more...