Faeldon inamin ang authority sa release order ng mga convicts sa ilalim ng GCTA

Screengrab of INQUIRER.net video

Napaamin si Bureau of Corrections (BuCor) chief Nicanor Faeldon na siya ang may authority sa mga release order ng mga convicts na nasa ilalim ng batas ukol sa good conduct.

Sa pagdinig sa Senado araw ng Lunes, unang sinabi ni Faeldon na ang pinirmahan lamang niya ay memorandum para simulan ang proseso sa pagpapalaya sa mga convicts ng heinous crimes kabilang si dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez.

Pero nang tanungin ni Sen. Kiko Pangilinan kung may pagkakataon na nabaligtad ang kanyang memorandum orde, ayon kay Faeldon ay wala.

“In other words, administrative na lang. Wala nang discretion itong superintendent para pumirma o gumawa ng release order. Wala na siyang discretion, susunod na lang dun sa memorandum of release?” pahayag ni Pangilinan.

Sa pamimilit pa ng senador ay inamin ni Faeldon na siya talaga ang may authority sa release order.

“So ibig sabihin kayo talaga ang may kapangyarihan at ‘yung memorandum order ay kumbaga ‘yun ang susi, ‘yung release order ay susunod na lamang dun sa memorandum order,” ani Pangilinan

Paliwanag ni Faeldon, ang kanyang rekomendasyon ang magbibigay-daan ng pagprosero ng final release order.

Read more...