Ethel Booba, may tugon sa nanunog ng effigy ni Miss Universe

Photo grab mula sa Twitter account ni Ethel Booba
Photo grab mula sa Twitter account ni Ethel Booba

Bumuwelta ang comedienne na si Ethel Booba sa mga Colombian, partikular sa sumunog sa isang effigy ni Miss Universe 2015 Pia Alonzo Wurtzbach.

Sa kanyang Twitter account, nagpost si Booba ng isang litrato kung saan makikita na hawak niya ang isang torch o sulo at katabi ang isang effigy na mayroong mukha ng Colombian na nauna nang nanunog ng effify ni Pia noong New Year’s Eve.

Ang caption ni Booba sa kanyang photo: “Kalma lang guys. Ako bahala. Babawi tayo sa sunugan ng effigy. Charot!”

Ang post ni Booba ay kasunod ng viral video ni Noider Almanza Barraza, na nag-sorry na at ininguso ang tradisyon daw ng Colombia na pagsusunog para sa Bagong Taon.

Ang video ay lumabas dalawang linggo matapos maling makoronahan si Miss Colombia Ariadna Gutierrez bilang Miss Universe 2015, dahil sa maling announcement ni American TV host at comedian Steve Harvey.

 

Read more...