Tropical storm ‘Liwayway,’ bahagyang bumilis; Signal no. 1, itinaas sa Batanes

PAGASA photo

Bahagyang bumilis ang Tropical Storm “Liwayway” habang binabagtas ang North Northwest ng karagatang sakop ng Pilipinas.

Sa sever weather bulletin ng PAGASA bandang 5:00 ng hapon, huling namataan ang bagyo sa 320 kilometers East Northeast ng Casiguran, Aurora bandang 4:00 ng hapon.

Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 80 kilometers per hour.

Bumilis ang bagyo habang tinatahak ang direksyong North Northwest sa bilis na 30 kilometers per hour.

Nag-iisa naman ang Batanes na isinailalim sa Tropical Cyclone Wind Signal no. 1.

Asahan namang mararanasan ang mahina hanggang katamtaman na may mabigat na buhos ng ulan sa Cagayan kabilang ang Babuyan Islands at Batanes.

Southwest monsoon o habagat pa rin ang nagdudulot ng mahina hanggang katamtaman na kung minsan ay malakas na ulan sa Central Luzon, Metro Manila, Calabarzon, Mimaropa at Western Visayas.

Malabo pa rin namang mag-landfall ang bagyo sa kalupaan ng bansa.

Read more...