Ilang barko ng South Korea nasa bansa para sa goodwill visit

Sa kauna-unahang pagkakataon, dumaong ang ilang barko ng Republic of Korea Navy sa Maynila, araw ng Lunes.

Ipinadala ng Korea Navy ang kanilang ROKS Munmo the Great at ROKS Hwacheon para sa gagawing tatlong araw na goodwill visit.

Bahagi rin ito ang taunang cruise training para sa kanilang naval officers.

Lulan ng dalawang barko ang animnaraang Navy personnel at isang daang cadet.

Unang pinuntahan ng Korea Navy ang Pilipinas para sa training program.

Dadaan din ang mga barko sa labing-apat pang pantalan at labing-dalawang bansa.

Read more...