Mga napalayang sangkot sa heinous crimes handang ibalik ng PNP sa kulungan

Handa ang Philippine National Police (PNP) na arestuhin muli ang mga convicted criminal na sangkot sa heinous crimes.

Maagang napalaya ang nasa 1,914 na convicted criminals matapos mabigyan ng benepisyo sa ilalim ng Republic Act 10592 o Good Conduct Time Allowance (GCTA).

Sa isang press conference, sinabi ni PNP chief Gen. Oscar Albayalde bibigyan ng due notice ang mga convicted criminal.

Posible aniyang marami ang hindi magkusang bumalik at sumuko sa mga otoridad.

Dahil dito, handa aniya ang kanilang hanay na arestuhin nang walang inilalabas na warrant of arrest oras na bawiin ang release orders sa mga ito.

Matatandaang sampung araw sinuspinde ng Department of Justice (DOJ) at Department of Interior and Local Government (DILG) para i-review ang guidelines ng GCTA.

Read more...