Ayon kay Philippine National Police o PNP Spokesperson Wilben Mayor, ang naturang bilang ay batay na sa naireport sa kanila na tinamaan ng stray bullets.
Pito sa apatnapu’t isa ay mga bata, at tatlong taong gulang ang pinakabatang biktima.
Kinumpirma rin ng opisyal na si POA Francis Nepumuceno Flake, na nahuling nagpaputok ng baril sa Ermita, Maynila noong December 22, 2015 ay nahaharap na ngayon sa criminal at administrative charges.
Sinabi ni Mayor na tuloy-tuloy ang pagmomonitor ng PNP sa mga insidente ng stray bullets hanggang January 05, bilang bahagi pa rin ng Oplan: Ligtas Paskuhan.
Ani Mayor, hinihintay na lamang ng PNP ang iba pang data o ulat mula sa iba’t ibang lugar sa bansa, at pagkatapos nito ay magsasagawa sila ng assessment ukol sa nakalipas na holiday season.