Ayon kay Thony Dizon, coordinator ng Ecowaste Coalition Project Protect, ikinalugod nila ang pagbuo ng panel ng Department of Trade and Industry at Department of Health para imbestigahan ang mga isyu laban sa self-balancing at two-wheel scooters na hoverboards.
Mainam din aniya nag abiso ang dalawang ahensya sa publiko laban sa pagbili ng hoverboards para sa mga batang labing apat na taong gulang pababa, sa gitna ng napaulat na health at safety issues gaya ng pagkasunog o pagsabog.
Pero giit ni Dizon, dapat na maresolba ang mga naturang concern sa lalong madaling panahon lalo’t kapansin-pansin na maraming tumatangkilik sa hoverboards kahit na may kamahalan ang presyo.
Nabibili ang hoverboards sa formal at informal retail outlets, maging sa online shopping sites sa halagang P7,500 hanggang P75,000.
Nauna nang na-ban ang hoverboards sa Europe at Estados Unidos dahil sa napaulat na pagkasunog at fall incidents.