Thunderstorm advisory inilabas ng PAGASA sa Metro Manila, Zambales, Bulacan, Laguna at Quezon

Asahang uulanin ang Metro Manila at ilang lugar sa Luzon, Lunes ng hapon.

Sa thunderstorm advisory ng PAGASA bandang ala-1:38 ng hapon, iiral ang katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan na may kasamang kidlat at malakas na hangin sa Metro Manila, Zambales, Bulacan, Laguna at Quezon.

Iiral ang sama ng panahon sa susunod na dalawang oras.

Maliban sa mga nabanggit na lugar, apektado rin nito ang Capas, Bamban, San Jose at Santa Ignacia sa Tarlac; Mabalacat sa Pampanga.

Uulanin din ang Antipolo at Angono sa Rizal; Laur at Gabaldon sa Nueva Ecija.

Inabisuhan ang mga apektadong residente na maging maingat sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa.

Read more...