Huling namataan ang bagyo sa 340 kilometers East Northeast ng Daet, Camarines Norte o 455 kilometers East ng Baler, Aurora bandang alas diyes ng umaga.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 80 kilometers per hour.
Tinatahak ng bagyo ang direksyong Hilagang Kanluran sa bilis na 25 kilometers per hour.
Wala namang nakataas sa anumang tropical cyclone wind signal sa bansa.
Gayunman, mararansan pa rin ngayong araw hanggang Martes ng umaga ang kalat-kalat na mahina hanggang katamtaman na kung minsan ay malakas na ulan sa Bicol Region, Cagayan kasama ang Babuyan Islands, at Batanes.
Southwest monsoon o habagat naman ang umiiral sa Zambales, Bataan, Occidental Mindoro, Palawan at Western Visayas.
Sinabi rin ng PAGASA na malabo pa ring tumama sa kalupaan ang bagyo sa bansa.