2 Chinese nationals na walang work permit at visa, arestado sa Samar

Arestado ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang Chinese nationals dahil sa pagbebenta ng mga retail goods nang walang kaukulang work permit at visa sa Catbalogan City sa Samar.

Nakilala ang mga naaresto na sina Wu Zhijie, 26 taong gulang, at Wu Jiajiang, 51 taong gulang.

Ayon sa BI, nabigong magpakita ng kanilang travel o immigration documents ang dalawang Chinese nationals.

Kasalukuyang nasa Immigration Detention facility sa Taguig ang mga naaresto habang hinihintay ang kanilang deportation pabalik ng China.

Read more...