Magnitude 3.0 na lindol naitala sa Jose Abad Santos, Davao Occidental

Niyanig ng magnitude 3.0 na lindol ang lalawigan ng Davao Occidental.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 61 kilometers Southeast ng bayan ng Jose Abad Santos, alas-10:35 umaga ng Lunes (September 2).

May lalim na 49 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

Read more...