Isa patay, isa sugatan sa road accident sa Southern Cebu

Patay ang isang babae habang sugatan naman ang isa pa makaraang mabundol ng sasakyan habang tumatawid sa Cebu South Road sakop ng Barangay Ward 3, bayan ng Minglanilla Cebu linggo ng gabi.

Kinilala ang nasawi na si Sherlyn Cuizon, 40-anyos na residente ng Barangay Poblacion Ward 1 at ang nasugatan ay si Darling Queen Navoa, 18-anyos, residente ng Barangay Poblacion Ward 3.

Patawid umano ang biktima nang mabundol ng truck na minamaneho ni Noel Langcuyan dakong 8:45 linggo ng gabi (Sept. 1).

Sa lakas ng pagkabangga kay Cuizon at tumilapon ito sa kabilang kalsada dahilan para masagasaan siya ng isang kotse na minamaneho ni Farah Perez Adlawan, 42-anyos.

Si Navoa naman ay nabundol ng isang Delica van na nakasunod sa truck at minamaneho ng isang Rudelio Bardinas Yap, 62-anyos.

Ang dalawang biktima ay naisugod pa sa pinaka-malapit na ospital pero si Cuizon ay idineklarang dead-on-arrival.

Read more...