Convicted pedophile mula New Zealand, arestado sa Bukidnon

Arestado sa Bukidnon ng pinagsanib na pwersa ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) at New Zealand Police ang isang convicted pedophile mula sa New Zealand.

Nakilala ang pedophile na si Alan James Linton na dalawang beses nang na-convict sa kasong pang-aabuso sa mga bata.

Ayon kay kay BI Intelligence Division (ID) Acting Chief Fortunato Manahan Jr.,naaresto si Linton sa bahay nito sa Sugarland Subdivision sa Valencia City sa Bukidnon.

Ayon naman sa New Zealand police, si Linton ay banta sa mga kabataang Filipino dahil sa pagiging pedophile nito.

Kasalukuyang nakakulong ang pedophile sa BI detention facility sa Bicutan habang hinihintay pa ang kanyang Deportation Order mula sa Board of Commissioners.

Read more...