Election protest vs. Pasig City Mayor Vico Sotto pinawalang-saysay ng Comelec

Ibinasura ng Commission on Elections (Comelec) First Division ang election protest na isinampa ni dating Pasig City Mayor Bobby Eusebio laban sa nanalong alkalde na si Vico Sotto sa nakaraang May 13, 2019 election.

Sa isang Order na ipinalabas ng Comelec, unanimous ang desisyon nito na i-dismiss ang election protest ni Eusebio dahil sa kakulangan ng sapat na basehan.

Ang desisyon ng Comelec First division ay kinumpirma ni Atty Romulo Macalintal na nakatanggap ng kopya ng desisyon ng poll body.

Read more...