Pagpapabalik sa piitan ng mga napagkalooban ng GCTA, pinag-aaralan ng DOJ

Sinisilip na umano ng Department of Justice (DoJ) ang mga ligal na paraan para maibalik sa piitan ang mga pinalayang bilanggo na nagawaran ng good conduct time allowance (GCTA).

Kasunod pa rin ito ng pahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte na ibalik sa piitan ang mga bilanggong napalaya lalo na ang mga sangkot sa mga karumal-dumal na Krimen.

Ayon kay DoJ Spokesman at Usec. Markk Perete, naniniwala itong matutugunan ng binuong DoJ-Department of Interior and Local Government (DILG) Joint Committee na magre-review sa implementing rules and regulation (IRR) ng GCTA ang hiling ng pangulo.

Biyernes nang magpulong ang mga komite na pinamunuan ni DoJ Usec. Deo Marco, Bureau of Corrections (BuCor) Director General Nicanor Faeldon at mga opisyal ng Board of Jail Management and Penology, Board of Pardons and Parole at Parole and Probation administration.

Read more...