Tinatayang 100 katao patay sa air strike sa isang detention center sa Yemen

Higit sa 100 katao ang pinaniniwalaang patay sa air strike ng Saudi-led forces ang isang detention center sa siyudad ng Dhamar sa Yemen.

Sa impormasyon na nakarating sa United Nations, kabilang sa nasawi ang nasa 52 na bilanggo habang nasa 68 pa ang nawawala.

Target ng air strike ang pasilidad ng Houthi rebel kung saan umano ini-imbak ang mga missiles at drones.

Kinondena naman ng International Committee of the Red Cross (ICRC) ang nasabing pag-atake na tinawag nilang “horrific.”

Binigyang katwiran naman ng Saudi Arabia at kanilang mga kaalyado ang nasabing operasyon.

Sa isang statement, sinabi ni coalition spokesman Turki Al-Malki na naging taktika na ng Houthi rebel na gamitin ang sibilyan bilang human shields at ang nasabing lugar ay wala anila sa “no strike list” ng UN.

Read more...