Water level ng Angat dam sumampa na sa 183-meter level

Sumampa na sa 183-meter level ang antas ng tubig sa Angat dam.

Ito ay matapos na madagdagan pa ang tubig sa Angat sa nakalipas na 24 na oras.

Alas 6:00 ng umaga ng Lunes, Sept. 2 nasa 183.03 meters na ang water level ng Angat dam.

Nadagdagan din ang water level ng La Mesa dam na ngayon ay nasa 77.43 meters na.

Pero nabawasan naman ng bahagya ang water level ng Ipo na nasa 100.88 meters.

Nabawasan din ang water level ng Ambuklao at Binga dam.

Habang nadagdagan naman ang antas ng tubig sa San Roque, Pantabangan, Magat at Caliraya.

Read more...