Umabot na sa pito katao ang nasawi habang 22 ang sugatan matapos ang insidente ng pamamaril sa West Texas cities na Midland at Odessa.
Kinilala ang suspek na si Seth Aaron Ator, 36 anyos na batay sa record ng korte ay naaresto taong 2001 at nasampahan ng kasong misdemeanor criminal trespass at evading arrest.
Isinagawa ng suspek ang pamamaril sa kasagsagan ng routine traffic stop.
Tumakas sa pulisya ang suspek at nang-agaw ng postal vehicle at saka namaril sa mga tao na nasa highway.
Ayon mga awtoridad, armado si Ator ng ‘”AR-type weapon” at maswerte itong napatay ng pulisya bago pa makapasok sa isang movie theater.
Posible anilang mas marami pa ang nasawi kung tuluyang nakapasok ang suspek sa sinehan.
Ang mga nasawi ay nasa edad 15 hanggang 57 kabilang ang tatlong pulis.
Nilinaw naman ni FBI special agent Christopher Combs na walang kaugnayan sa domestic o international terrorism groups si Ator.
Ito na ang ikalawang insidente ng mass shooting sa Texas sa loob lamang ng isang buwan matapos ang pagkasawi ng 22 katao sa isang club sa El Paso.