Water allocation para sa Metro Manila mula sa Angat Dam, dinagdagan na

Dahil sa unti-unting pag-angat ng lebel ng tubig sa Angat Dam, dinagdagan na ng National Water Resources Board (NWRB) ang alokasyon ng tubig para sa Metro Manila at mga karatig-lalawigan.

Hanggang alas-9:00 ng umaga ng Linggo, September 1, umakyat sa 182.78 meters ang tubig sa Angat Dam mula sa 182.63 meters noong Sabado.

Ang antas ng tubig sa dam ay bahagyang mas mataas sa normal operating level na 180 meters.

Dahil dito, itinaas na sa 40 cubic meters per second (cms) mula 36 cms ang alokasyon ng tubig sa Metro Manila at mga katabing probinsya.

Gayunman, ang alokasyong ito ay mababa pa rin sa normal water allocation na 48 cms.

Ayon sa Maynilad, nais tiyakin ng NWRB na maaabot ng Angat Dam ang water level na mahigit 210 meters sa pagtatapos ng 2019 para matiyak ang maayos na suplay pagdating ng tag-init sa 2020.

Dahil dito, pinayuhan ng water concessionaire ang publiko na magtipid pa rin sa paggamit ng tubig.

Read more...