Ito ang pahayag ng opisina ni Faeldon matapos magpalabas ng subpoena ang Senate Blue Ribbon Committee.
Planong hindi siputin ng BuCor chief ang imbestigasyon dahil dadalo ito sa isang seminar.
Ayon sa opisina ni Faeldon, kinansela na nito ang kanyang scheduled commitments para makadalo sa pagdinig.
Ang imbestigasyon ng Senado ay kasunod ng kaliwa’t kanang batikos ng publiko matapos sabihin ng Department of Justice (DOJ) na posibleng makinabang ang convicted rapist at murderer na si dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez sa GCTA.
Naisiwalat din na halos 2,000 convicts ng karumal-dumal na krimen ang napalaya na rin dahil sa nasabing batas.
Nakasaad sa GCTA law na hindi kwalipikado ang mga nahatulan dahil sa heinous crimes.
Samantala, sinabi ni Senate President Tito Sotto na posibleng magisa rin sa pagdinig ng Senado si Senator Ronald ‘Bato’ Dela Rosa.
Si Dela Rosa ay umupo ring BuCor chief.