M6.5 na lindol yumanig sa Fiji Region

Isang malakas na lindol ang tumama sa Fiji Region, alas-11:54 ng gabi oras sa Pilipinas.

Ayon sa Phivolcs, may lakas ang pagyanig na magnitude 6.5.

Sa datos naman ng US Geological Survey, tumama ang lindol sa layong 30 kilometro Hilagang-Silangan ng Ndoi Island o 400 kilometro mula sa Fijian capital na Suva.

Pinawi na ng Phivolcs at US Pacific Tsumani Warning Center ang pangamba ng tsunami.

Read more...