#WalangPasok ngayong Lunes, September 2

Nag-anunsyo ng suspensyon ng klase ang lugar na ito ngayong araw ng Lunes, September 2.

Ito ay dahil sa inaasahang masamang panahon bunsod ng Bagyong Liwayway at hanging Habagat.

PRE-SCHOOL HANGGANG JUNIOR HIGH SCHOOL
– Bacoor, Cavite

Ayon sa PAGASA, bagaman hindi tatama sa kalupaan ang Bagyong Liwayway na nasa loob ngayon ng Philippine Area of Responsibility (PAR), ang trough o extension nito ay nagdadala ng mga pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa.

Nakakaapekto rin ang southwest monsoon o Habagat sa Palawan at Western Visayas.

Read more...