Bagyong Liwayway lalakas pa ngunit hindi tatama sa kalupaan

Bahagya pang lumakas ang Bagyong Liwayway at inaasahang magiging Tropical Storm ito sa loob ng 24 oras.

Ayon sa 11pm severe weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 335 kilometro Hilagang-Silangan ng Guiuan, Eastern Samar o 365 kilometro Silangan ng Virac, Catanduanes.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometro bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 35 kilometro kada oras.

Kumikilos ang bagyo sa direksyong Hilaga Hilagang-Kanluran sa bilis na 35 kilometro bawat oras.

Maliit ang tyansa na tumama sa kalupaan ang bagyo nungit kapag lumapit na ito sa Cagayan area, posibleng magkaroon na ng pag-ulan.

Dahil sa trough ng Bagyong Liwayway, inaasahan ang mahihina hanggang sa katamtaman na paminsan-minsan ay malalakas na pag-ulan sa Caraga, Northern Mindanao, Eastern Visayas, at Central Visayas

Dahil naman sa Habagat, mahihina hanggang sa katamtaman na paminsan-minsan ay malalakas na pag-ulan ang mararanasan sa Palawan at Western Visayas

Mapanganib at pinagbabawal ngayon ang pagpalaot sa mga baybaying dagat ng Batanes, Calayan, Babuyan, northern coast ng Cagayan, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangansinan, Zambales, Bataan, Catanduanes, Samar at Leyte.

Read more...