Celine Dion, nag-ala Adele

Celine Dion
Celine Dion

Viral ngayon sa social media ang video ni Celine Dion na kinakanta ang “Hello” ng ng English singer-songwriter na si Adele.

Sa kanyang pagtatanghal sa Colosseum sa Las Vegas, Nevada noong New Year’s Eve, ginulat ni Celine ang fans niya sa kanyang “cover” ng Hello.

Sinabi ni Celine sa kanyang audience: “If I may, I would like Adele to be a part of our New Year’s Eve. Don’t panic, she’s not in the building… Do we need to change the battery in my microphone? It kind of lost it a bit. Adele, hello? Hello?”

Sa puntong iyon, nagtilian at nag-freak out na ang crowd hanggang sa inawit na si Celine ang popular song ni Adele.

Ang Canadian singer-songwriter na si Celine Dion ay pinaka-nakilala sa kanyang kantang “My Heart Will Go On” na main theme song ng pelikulang Titanic.

 

Read more...