Sa kanyang New Year’s message na kanyang inihayag sa harap ng libu-libong mananampalataya na nagtungo sa St. Peter’s Square, iginiit ng Santo Papa na pangangailangan na mag-reborn at malagpasan ang mga pagkakaiba na balakid sa solidarity o pagkakaisa.
Sinabi pa ni Pope Francis na sa pagsisimula ng 2016, mainam na magpalitan ng wishes, at i-renew ang ‘desire’ na naghihintay sa lahat na mas mabuti kaysa noong nakalipas na taon.
Inamin naman ng Pontiff na sa harap ng bagong taon, hindi magbabago ang lahat at marami sa mga problema ay mananatili pa rin.
Pero, ang kanya umanong wish ay mula sa ‘real hope.’
Hinimok din ni Pope Francis ang mga national government na suportahan ang refugees at migrants mula sa Africa, Asia at Middle East.