LOOK: Bakasyon ni Diana Zubiri kasama ang asawa sa Jordan

Photo grab from @dianazubirismith/INSTAGRAM

Masayang nagbakasyon ang aktres na si Diana Zubiri kasama ang asawang Australian businessman na si Andy Smith sa bansang Jordan.

Sa Instagram, ibinahagi ni Diana ang kanilang larawan habang sinisilayan ang sunset sa Wadi Rum, isang sikat na ecotourism spot sa Jordan.

Nag-ikot din ang dalawa sa Petra kung saan personal namang nakita ang mga templo na inukit sa mga sandstone cliff.

Sa hiwalay pa nitong post, nagpasalamat ang aktres sa kaniyang kapatid na si Saravi Garcia para sa imbitasyon na pumunta silang mag-asawa sa nasabing bansa.

Read more...