Metro Manila at ilang lugar sa Luzon, uulanin pa rin

DOST PAGASA photo

Asahan pa ring makararanas ng pag-ulan ang Metro Manila at ilang lalawigan sa Luzon ngayong Linggo ng hapon.

Sa thunderstorm advisory ng PAGASA bandang 4:51 ng hapon, iiral ang katamtaman hanggang mabigat na pag-ulan na may kasamang kidlat at malakas na hangin sa Bataan, Tarlac, Nueva Ecija, Quezon, Zambales at Batangas sa susunod na dalawang oras.

Kaparehong sama ng panahon din ang mararamdaman sa Muntinlupa, Parañaque, Las Piñas, Navotas, Taguig at Valenzuela sa Metro Manila; Meycauayan, Obando, Marilao at Bulacan sa Bulacan.

Apektado rin ng sama ng panahon ang Cardona, Rizal; Calamba, Biñan at Los Baños sa Laguna.

Uulanin din ang Arayat, Santa Ana at Mexico sa Pampanga; Bacoor, Imus, General Trias, Trece Martires, Dasmariñas, Rosario, Noveleta, Kawit at Cavite City sa Cavite.

Inabisuhan ang mga apektadong residente na maging maingat sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa.

Read more...