Tumama ang magnitude 4.4 na lindol sa Davao Occidental, Linggo ng hapon.
Sa datos ng Phivolcs, namataan ang sentro ng lindol sa 49 kilometers Southwest ng Sarangani bandang 2:23 ng hapon.
May lalim ang lindol na 32 kilometers at tectonic ang origin.
Gayunman, sinabi ng Phivolcs na walang napaulat na pinsala sa mga ari-arian sa lugar.
Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.
MOST READ
LATEST STORIES