Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, naging prangka ang pag-uusap nina Pangulong Duterte at Chinese President Xi Jinping sa usapin sa West Philippine Sea.
Nagkasundo aniya ang dalawang lider na magkaroon ng self-restraint at patuloy na susundin ang United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) sa West Philippine Sea.
Natalakay din aniya ng dalawang lider ang pagbalangkas sa code of the sea, pati na ang usapin sa kalakalan pati na ang pagtutulungan ng dalawang bansa sa sektor ng edukasyon, agrikultura, siyensya, health, people to people and cultural exchange at iba pa.
Bukod sa bilateral talks kay Xi, nagkaroon din ng pagpupulong si Pangulong Duterte kay Chinese Premier Li Keqiang at Chinese Vice President Wang Qishan.
Nanood din ang pangulo sa laban ng Gilas Pilipinas sa FIBA World Cup 2019 sa Guangzhou.