Ilang lalawigan sa Luzon, patuloy na uulanin

Photo grab from DOST PAGASA’s Twitter post

Asahan pa ring makararanas ng pag-ulan ang Tarlac, Zambales, Bataan, Batangas, Cavite at Pampanga, Linggo ng hapon.

Sa thunderstorm advisory ng PAGASA bandang 2:03 ng hapon, iiral ang katamtaman hanggang mabigat na pag-ulan na may kasamang kidlat at malakas na hangin sa anim na nasabing lugar sa susunod na dalawang oras.

Heavy to intense rainshowers na may kasamang kidlat at malakas na hangin naman ang mararamdaman sa Gapan, General Tinio, General Mamerto Natividad at Palayan sa Nueva Ecija; San Miguel, Doña Remedios Trinidad at Norzagaray sa Bulacan.

Apektado rin ng sama ng panahon ang Tanay, Rizal; Santa Maria, Mabitac, Famy, Siniloan, Pangil, Pakil, Paete at Kalayaan sa Laguna.

Uulanin din ang Atimonan, Plaridel, Gumaca, Unican at Macalelon sa Quezon.

Inabisuhan ang mga apektadong residente na maging maingat sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa.

Read more...