Malakanyang dumepensa sa paglaya ng 2,000 bilanggo

Dumipensa ang Palasyo ng Malakanyang sa paglaya ng halos 2,000 bilanggo na convicted sa karumal-dumal na krimen dahil sa good conduct time allowance.

Pahayag ito ng Palasyo matapos aminin ni Sendor Christopher Lawrence Bong Go na hindi alam ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paglaya ng halos 2,000 bilanggo.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na kaya hindi alam ng pangulo ang paglaya ng ng mga bilanggo ay dahil nasa mababang level lamang ang pag-aaral.

Merong proseso aniya na hindi na nakararating sa pangulo ng bansa.

Read more...