Nueva Ecija, Rizal at Bulacan uulanin sa susunod na mga oras – PAGASA

Makararanas ng pag-ulan sa Nueva Ecija, Bulacan, at Rizal sa susuod na dalawang oras.

Sa ipinalabas na thunderstorm advisory ng PAGASA, alas 12:55 ng hapon ng Linggo, Sept. 1 katamtaman hanggang s amalakas na buhos ng ulan na may pagkulog, pakidlat at malakas na hangin ang mararanasan sa susunod na dalawang oras.

Ang naturang lagay ng panahon din ang nararanasan sa Santa Maria at Famy Laguna; at sa Tagkawayan at Gumaca sa Quezon.

Pinapayuhan ng PAGASA ang mga residente sa nabanggit na mga lugar na maging alerto sa posibleng pagkakaroon ng flash floods at landslides.

Read more...