Ito ay para pagpaliwangin sa ipinatupad na good conduct time allowance dahilan para muntik nang makalabas ng New Bilibid Prisons si convicted rapist at murderer Antonio Sanchez.
Sa panayam ng Radyo Inquirer mula sa China, sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na kailanman ay palaging kumakatig ang Palasyo sa kung ano ang makabubuti sa bayan.
Pero ayon kay Panelo, dapat lamang na tiyakin ng Senado na magiging maayos ang pagtrato kay Faeldon.
Ayaw kasi aniya ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipinapahiya ng mga mambabatas ang mga opisyal ng gobyerno tuwing may ginagawang pagdinig ang dalawang kapulungan ng kongreso.
Matatandaang pinagbawalan noon ni Pangulong Duterte si dating Budget Secretary Benjamin Diokno na dumalo sa budget hearing ng Kamara dahil sa ginawang pamamahiya ng mga mambabatas.