Pangulong Duterte balik na sa bansa matapos ang limang araw na pagbisita sa China

Presidential Photo
Balik-Pilipinas na si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay matapos ang matagumpay na limang araw na working visit ng pangulo sa China kung saan idiniga kay Chinese President Xi Jinping ang ruling ng permanent court of arbitration na hindi kinikilala ang nine dash claim ng China sa South China Sea.

Base sa photo release ng palasyo, makikitang pinangunahan ni Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua ang send-off ceremony sa pangulo kagabi sa Guangzhou Baiyun International Airport sa Guangdong Province, China.

Linggo, Sept. 1 ng madaling araw dumating ang pangulo sa Villamor Airbase sa Pasay City at sinalubong ng mga matataas na opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP).

Read more...